Habang nagbabakasyon sa isang resort sa Zambales, confident at all-smile si Ben&Ben vocalist Paolo Benjamin Guico sa kaniyang beach photos nitong Martes, Abril 18.

Lalo pang kumpiyansa sa sariling balat ang singer sa mga larawang ibinahagi sa kaniyang Facebook account.

Mahigit isang taon matapos ibahagi ang kanyang naging journey sa healthy lifestyle, lalo pang inspirasyon si Paolo sa kaniyang fans at followers.

Basahin: BODY GOALS: Paolo Benjamin, na-hit ang goal weight! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa kanyang beach photos, iflinex ng singer ang pinaghirapang katawan habang ishinare niya ang wisdom online.

“Celebrate the hard work you put in ✨Even if you feel like you have a long way to go, you’ve gone far already. Honor your progress, and don’t let anyone bring you down,” sey ni Pao.

Basahin: Paolo Benjamin sa narasanang pamba-body shame noon: ‘Mas masakit ‘pag mas malapit sa’yo’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pawang positibong komento naman ang natanggap ng singer sa ilang netizens.

“Looking good bro!” sey ng isang Mike Regalado kay Pao.

“Thank you for being an inspiration to a lot of young kids— You show them that persistence, dedication, self-love and resilience are important traits,” dagdag na komento ng isa pang online friend ng singer.

“Rooting for you and we’re so proud of you, Pao! 🫶🏻✨

“Looking great!! Proud of you, Kuya Pao!💗

“So proud of you, Paolo!🤗 Salamat sa inspirasyon.💗

“Proud din kame sayo, Pao✨Thank you for always inspiring us!💛💙

Umabot ng mahigit 3,000 reaction ang naturang post ng singer sa pag-uulat.