Arestado ang isang 20-anyos na lalaki dahil sa panggagahasa sa Pasay City sa isang manhunt operation sa Bulacan kamakailan.

Sinabi ng pulisya na ang suspek na kinilalang si Christian Joseph Alba ay naaresto dakong alas-7:30 Linggo ng gabi, Abril 16 sa San Jose del Monte, Bulacan ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Libertad Sub-Station 3 ng Pasay City Police.

Ayon sa ulat ng pulisya, isang warrant of arrest ang inilabas laban kay Alba ni Pasay Regional Trial Court (RTC) Judge Irma Panahon ng Branch 113 noong Marso 31 para sa krimeng panggagahasa na walang inirekomendang piyansa.

Nakakulong ang suspek sa Pasay police custodial facility matapos itong arestuhin.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Jean Fernando