Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng isang netizen na si "Eigdod Odnalib Onicev" kung saan makikita ang malakas na pag-ugoy ng duyan, subalit wala namang taong nakahiga o nakasakay rito.

Makikitang nakatingin sa duyang gumagalaw sa loob ng isang barong-barong ang ilang sundalo at sinisipat kung bakit ganoon kalakas ang ugoy nito.

"Sundalo hindi takot mamatay pero takot sa patay," caption ng video.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Sinilip pa ng mga sundalo ang loob at paligid ng bahay para tingnan kung sino ang nag-uugoy at nanti-trip sa kanila, subalit tumaas umano ang kanilang mga balahibo nang malamanh sila-sila lamang ang naroon.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Baka malakas lang ang hangin o baka may bentilador sa loob?"

"Hindi kaya lumilindol o yumayanig?"

"Baka may ceiling fan hahaha."

"Wala 'yan, baka hangin o may humihila lang forda content."

Mapapansing higit isang minutong walang humpay na umuugoy ang duyan, at malamang na nagpatuloy pa ito, kung hindi lamang nahinto na ang pag-video.

Espiritu nga kaya ito?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!