Nagsama sa isang pambihirang pagkakataon ang dalawang idol groups na BGYO at HORI7ON sa ABS-CBN morning show na “Magandang Buhay,” Martes, Abril 18.

Matapos magpasiklab sa kani-kanilang performances ay masayang nakipag-chikahan naman sina Jeromy, Marcus, Kyler, Vinci, Reyster, Kim, at Winston ng HORI7ON ganun din sina Akira, Gelo, JL, Mikki, at Nate ng BGYO sa “Magandang Buhay” momshies na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Regine Velasquez.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

https://twitter.com/_magandangbuhay/status/1648132776997314560?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

https://twitter.com/_magandangbuhay/status/1648134362842681346?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

Ibinahagi ng HORI7ON ang kanilang mga pangako sa isa’t-isa ngayong nagsisimula pa lang silang makilala sa industriya, kung saan lilipad pa ang grupo patungong South Korea para ituloy ang kanilang trainings at i-debut sa global stage.

Nang tanungin naman ang BGYO kung saan nila nakikita ang sarili nila 10 years for now ay umaasa sila na solid pa rin ang kanilang samahan bilang isang grupo.

Nagkaroon din ng game ang dalawang boy groups na siyang kinagiliwan ng kani-kanilang mga fans, kung saan nag-trend ang “MB LIVE WITH BGYO” at ang hashtag “HORI7ON_onMagandangBuhay” sa Twitter kasabay ng pag-ere ng naturang episode.

Nagtapos naman ang guesting ng BGYO at HORI7ON sa “MomshieOke” kung saan naki-jamming sila sa mga momshies sa awiting “I Believe I Can Fly” ni James Ingram.

Screengrab mula sa Kapamilya Online Live

Mapapanood ang “Magandang Buhay” Lunes hanggang Biyernes sa lahat ng ABS-CBN platforms.