Mukhang hindi pa magtatapos ang hottest Kapuso pair-up na sina Barbie Forteza at David Licauco na kasunod ng matagumpay na Maria Clara at Ibarra ay matutunghayan pa raw sa isa pang historical at fantasy period drama sa susunod na taon.

Tila lalo pang pagsunog ito sa chika kamakailan na tila intensyonal umanong iniiwasan ng Kapuso actress ang ka-loveteam para protektahan ang real-life partner nitong si Kapuso hunk Jak Roberto.

Basahin: Kuda ni Suzette tungkol sa ‘bad decisions,’ sapul daw kay Barbie? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa scoop ng isang Kapuso-run fan-page and insider, isa pa raw na "megaserye" na tatawaging “Pulang Araw” ang niluluto para sa BarDa love team.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Iba pa ito sa naunang pelikula rin daw ng onscreen tandem.

Dagdag nito, isa raw itong romantic serye sa pagitan ng isang sundalong Hapon at isang Pinay spy.

Sa parehong scoop, ang project ay isa na namang partnership sa pagitan ng Viu Philippines at GMA Network.

Habang wala pang kumpirmasyon ay pagbibidahan din umano ito ng mga premyadong aktor sa telebisyon at teatro.

Viral ang scoop na ito sa Facebook pa lang na nasa mahigit 23,000 reaction na sa pag-uulat.

Ngayon pa lang ay excited na ang fans ng BarDa sa tila primetime comeback ng dalawa sa susunod na taon.

Gayunpaman, wala pang kumpirmasyon mula sa GMA o Viu mismo ukol sa scoop na ito.