Inianunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes na mahigit sa ₱32.2 milyon ang halaga ng medical assistance na kanilang naipamahagi sa higit 4,000 indigent patients sa bansa.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na kabuuang ₱32,226,21.64 ang naipagkaloob sa may 4,765 pasyente mula Abril 11 hanggang 14, 2023 lamang, sa ilalim ng kanilang Medical Assistance Program (MAP).

Kabilang sa nabiyayaan ng naturang tulong medikal ng PCSO ay ang 513 pasyente mula sa National Capital Region (NCR) na nabigyan ng kabuuang halaga na ₱5,985,992.

Sa Northern at Central Luzon, umaabot sa 1,131 pasyente ang nabiyayaan ng ₱8,434,062.92 na halaga ng tulong medikal habang sa Southern Tagalog at Bicol Region naman, 1,315 pasyente ang nakinabang sa ₱6,355,590.44 halaga ng medical assistance.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Sa Visayas, 844 pasyente ang nabigyan ng ₱5,732,642.57 na halaga ng assistance sa pagpapagamot habang sa Mindanao ay 962 pasyente ang naging benepisyaryo ng ₱5,717,733.71 na tulong medikal.

Kaugnay nito, muli namang hinimok ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games dahil malaking bahagi nito ang napupunta sa kawanggawa.