Ito na ang talak ng ilang followers ni Binibining Pilipinas 2022 1st-runner up Herlene “Hipon Girl” Budol matapos aminin nitong “undecided” pa na rumampa sa isang brand new national pageant.

Sa ngayon kasi, mukhang ang manager lang ni Herlene na si Wilbert Tolentino ang talagang desido na isalang muli ang kanyang alaga sa pageant scene.

Partikular na usap-usapan ngayon sa pageant communities online ang napipintong pagsali umano ng beauty queen sa kauna-unahang Miss Grand Philippines national pageant sa bansa na nagbukas na ang aplikasyon kamakailan.

Basahin: Herlene Budol, litong-lito, urong-sulong ang desisyon na rumampa para sa Miss Grand PH – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Yun nga lang, ay undecided pa si Herlene sa ngayon at araw-araw pa aniya siyang nililigawan ng manager para sa susunod niyang pageant, sey niya sa isang social media post ngayong Lunes, Abril 17.

Kasunod nito, ilang followers na ng beauty queen ang nagbigay ng saloobin sa kaniyang sitwasyon.

“Baka pine-pressure ka lang? Decide ka kung anong gusto mo talaga,” payo ng isang netizen.

Matatandaan na pangunahin ngang rason ni Herlene sa pagsali sa MGI dahil gusto ito ng kaniyang manager.

Basahin: ‘Confirmed!’ Herlene ”Hipon” Budol, sasabak sa Miss Grand International pageant – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Kung ako ang tatanungin Tito Boy, gusto ko ‘yung gusto ng manager ko naman, so, sasali po ako,” diretsahang sagot noon ni Herlene sa tanong ni Tito Boy kung may plano ba itong sumali sa MGI.

“That means, you can’t decide on your own. You should follow your heart. Whatever it is, we’re here to support,” segundang talak ng isa pang fan.

“Tama naman, if I were you wag na sabe nga dba Once a BB always a BB, sakto timing mo nun, baka kasi iba na result kaw din [s]ayang ang fame.”

Diretsa pang saad ng isang pang Instagram user kay Herlene: “Wag kang sumali if napipilitan ka lang!”

“Find your purpose, follow your dreams, have a strong foundation, earn your advantage,” dagdag na sey pa ng isa pa.

Isa pang netizen ang nagpayong iwan na ng beauty queen ang kanyang manager na si Wilbert.

“Amaccana. Decide on your own. Iwanana mo na si Wilbert.”

Sa ngayon, wala pang tugon si Herlene sa mga komento ng fans at netizens.

Sa kabila nito, ilan naman sa kanila ang tiniyak sa beauty queen na patuloy silang magpapakita ng suporta anuman ang maging desisyon nito sa huli.