Opisyal nang ipinakilala bilang pinakabagong Tawag ng Tanghalan hurado si “Fearless Diva” Jona Viray na agad ding nagpakitang-gilas sa madlang pipol nitong Lunes, Abril 17.

Kasama ang pitong quarterfinalists sa ikaanim na taon ng TNT, muling inawit ni Jona ang ilan sa kanyang hit songs at iconic P-pop Himig Handog tracks kabilang ang “Tinatapos Ko Na” at “Maghihintay Ako.”

Bagaman patuloy pa ring nagrerekober ang kanyang boses matapos maimpeksyon ang lalamunan noong Marso, fierce in red si Jona na bumirit sa kilalang pamatay na mga climax ng mga piyesa.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Para sa kanta namang “Til The End of Time,” walang kaabug-abog na sumipol naman si Jona na naging instant highlight ng trending performance.

Samantala, bilang bagong hurado, inaasahan naman ng Birit Queen na “sasakit” ang kanyang ulo sa pagkilatis sa mga contenders na aniya’y magagaling na.

Basahin: ‘Fearless Diva’ Jona Viray, bagong hurado ng Tawag ng Tanghalan sa ‘It’s Showtime’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Ingatan niyo ang vocal health niyo. I know this will be a madugong labanan, paguran na laban pero pinakaimportante na ipahinga niyo rin ang vocal cords niyo when you have the time,” payo naman ni Jona sa quarterfinalists at idinagdag ang talagang pag-aaral sa mga kanta na kanilang ipe-perform bukod pa sa focus at siyempre ang pagdadasal.

Jona Viray, ang pinakabagong TNT hurado via Kapamilya Online Live

Sa huli, sinabi ng Pinay diva na magiging fearless na hurado rin sya at asahang walang palabok o pagsu-sugarcoat sa kaniyang mga talak sa mga contender ng tanghalan.

Twitter

Certified trending ang ItsShowStopperHurado JONA sa Twitter kasunod ng naging opisyal na pagpapakilala kay Jona bilang newest TNT hurado.

Basahin: Bumirit kahit maga ang lalamunan! Jona, viral sa kaniyang kabogerang ‘One Moment in Time’ version – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid