'Nasa Cambodia ba o South Korea?'

Patuloy pa ring palaisipan sa mga senador kung nasaang bansa ang kinaroroonan ni Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo "Arnie" Teves Jr..

Matatandaang umalis si Teves ng bansa noong Pebrero 28 para umano sa stem cell treatment sa United States, at inaasahang bumalik noong Marso 9 dahil sa pagkapaso ng travel clearance nito na inisyu ng Kamara.

Dahil sa pagiging “magulo at pagsuway” ni Teves matapos din tumangging bumalik ng bansa sa kabila ng utos sa kaniyang umuwi, sinuspinde siya noong Marso 23 sa loob ng ng 60 araw.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

BASAHIN: 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves

Ibinahagi naman kamakailan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla maaaring nasa Cambodia pa si Teves.

BASAHIN: Teves, maaaring nasa Cambodia pa – Sec Remulla

Samantala, sa nangyaring pagdinig ng Senate Committee on Public Order hinggil sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, nitong Lunes, Abril 16, ibinahagi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa panel na sinabi sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan na nakita nila si Teves na kumakain sa Lotte Hotel sa South Korea mga dalawang araw na ang nakalilipas.

Sa isang press briefing sa Zoom nito ring Lunes, tinanong si Teves kung totoong nasa South Korea siya.

"Yung sa South Korea, ah, no comment na lang. It's for me to know and for them to find out," ani Teves.

Ito ang unang press briefing ni Teves mula nang madawit siya sa pagpaslang kay Degamo at sa walo pang nadamay noong Marso 4.

Ibinasura naman ng mga senador ang kaniyang apela na virtual na lumahok sa pagdinig kanina ng Senado.

BASAHIN: Apela ni Teves na virtual na lumahok sa Senate hearing ng Degamo killing, ibinasura!

Isa si Teves sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang sa gobernador.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla