Tila ang manager na si Wilbert Tolentino pa lang ang may desisyon na muling sumabak sa pageant scene ang alagang si Herlene Budol na aminadong na-trauma sa kanyang napurnadang pageant sa Uganda noong nakaraan taon.

Ito ang nai-share mismo ng beauty queen sa kaniyang social media update nitong Lunes, Abril 17.

Tsika at Intriga

Europe trip, inintriga! CEO Glenda Dela Cruz, pumalag sa pagkonekta sa kaniya kay Zaldy Co

“Kahit undecided t[a]l[a]ga ako dahil sa trauma ko sa Uganda. Araw-araw pa rin ako kino-convince ni@sirwil75para mag-join! Grabe yung tiwala nya sa akin to the highest level. Thank you sa inyo ni Ate@madaminutz20. Love u both, ?” sey ng beauty queen at TV personality.

Ito’y sa kabila ng tila buong-loob nang pag-yes ni Herlene sa isang panayam noong nakaraang buwan ukol sa kanilang pageant comeback ngayong taon.

Basahin: ‘Confirmed!’ Herlene ”Hipon” Budol, sasabak sa Miss Grand International pageant – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kamakailan, nagbukas na ang aplikasyon para sa aspiring beauty queens para sa kauna-unahang Miss Grand International Philippines, dahilan nga ng tila napi-pressure nang si Herlene.

Basahin: Unang sariling pageant ng Miss Grand Int’l PH, aarangkada na rin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong 2022 nang huling sumalang ngunit napurnada si Herlene sa noo’y Miss Planet International pageant sa Uganda.

Basahin: Herlene Budol, hindi na magpapatuloy sa Miss Planet International 2022 pageant – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid