Nagsalita na si Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. nitong Lunes kaugnay sa umano'y cover-up sa pagkakaaresto ng sinibak na si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, Jr. matapos mahulihan ng ₱6.7B shabu sa Maynila noong 2022.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, nilinaw ni Azurin na walang cover-up sa imbestigasyon sa pagkakadawit ni Mayo sa illegal drug operation.

Nilinaw ni Azurin na hindi ginagambala ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso ni Mayo.

Paliwanag niya, layunin ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) na magsagawa ng malalim na pagsisiyasat sa usapin.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Kaugnay nito, nanawagan si Azurin kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na kilalanin nang husto ang mga taong posibleng nagbibigay sa kanya ng maling impormasyon upang pagdudahan ang integridad ng hanay ng pulisya.

“Let us focus on the real enemy. Let me call also the attention of our kind SILG to take a second look on the people who may be feeding him misinformation to cast doubt on the integrity of the PNP organization,” sabi ni Azurin.

Nag-ugat ang usapin nang maaresto si Mayo sa ikinasang pagsalakay sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022 matapos masamsaman ng 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng₱6.7 bilyon.