Nasa ospital ngayon si Baby Joaquin Ilustre, ang 2 taong-gulang lang na anak ng celebrity couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina matapos itong magpositibo sa dengue.

Ito ang malungkot na balitang hatid ng Kapuso actor sa kaniyang serye ng Instagram posts mula nitong Linggo, Abril 17.

View this post on Instagram

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Our very brave boy @babyjoaquinilustre !💪🏻 Love you anak! Asking for healing prayers for Baby Joaquin. ❤️🙏🏻 dengue +,” mababasa sa caption ni Rodjun kalakip ang mga nakangiti pang mga larawan ni Joaquin sa ospital na kung hindi lang sa nakakabit na suwero sa kamay ay aakalaing walang dinaramdam na sakit.

Agad namang bumuhos ang pagdarasal mula sa kapwa celebs sa naturang post ng Kapuso star.

Kabilang sa mga nag-abot ng dasal at agad na paggaling ni Joaquin ang kapwa celebrity moms na sina Winwyn Marquez, Rochelle Pangilinan, at Angeline Quinto.

Hangad din ang agarang pagrekober ni Joaquin ng ilan pang kasamahan sa showbiz na sina Maja Salvador, Sunshine Cruz, Leon Barretto, Lani Misalucha, Enzo Pineda, Lovely Abella, Jhong Hilario, Pancho Magno bukod sa maraming iba pa.

Sa isang update nitong Lunes, Abril 17 makikitang nasa ospital pa rin si Joaquin.

Hands-on naman ang celebrity couple sa ospital para sa kanilang anak.

Get well soon, Baby Joaquin!