CAMP VICENTE LIM, Laguna -- Nahuli ang apat na high-value na indibidwal, kabilang ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG), at tatlong newly identified individuals at nakuhanan ng 250 gramo ng shabu sa magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Batangas at Laguna noong Sabado, ayon sa ulat dito.

Sa ulat ng Police Regional Office 4A (PRO4A) kinilala ang mga suspek na sina Jerico Magbatoc, 41, residente ng Barangay San Antonio sa San Pascual, Batangas; Jairoden Musa, isang miyembro ng PCG; Jaimela Polo, Taming Balimbingan, pawang mga high-value individuals (HVI); Sahar Polo, Reynalae Polo, at Jamaludin Polo, newly identified individuals na sangkot sa bentahan ng shabu.

Si Magbatoc ay inaresto noong Sabado ng alas-4:15 ng umaga, Abril 15 sa Barangay San Isidro sa Batangas City ng magkasanib na elemento ng Drug Enforcement Unit (DEU) at Batangas City police sa isinagawang drug buy-bust operation na nakakuha ng 100 gramo ng hinihinalang shabu na may Dangerous Drug Board (DDB) value na P680,000.00, marked money, isang smartphone, at Chevrolet OPTRA color black na may plate number XTA 155.

Samantalang si Musa, sina Polo at Balimbingan ay naaresto alas-11:42 ng gabi noong Abril 15, sa Oliver Compound, Barangay Landayan sa San Pedro City, Laguna sa buy-bust operation ng San Pedro City police.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nakumpiska sa kanila ang 16 na medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 150 gramo na may tinatayang may street value na P225,000.00, marked money, at 1,500,00 cash na hinihinalang kinita sa pagbebenta ng ilegal na droga.