Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres na si Rita Avila ang kaniyang throwback at recent photo kung saan pinagtabi niya ang litrato niya noong 1987, at ngayong 2023.

Marami sa mga netizen ang pumuri kay Rita dahil tila hindi raw nabawasan ang kaniyang kagandahan.

"A photo from 'That’s Entertainment' variety show and from 'Hearts on Ice,'" ani Rita sa caption.

"36 years apart. God made this possible. Thank You."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Thanks to everyone on earth too."

"The good & the bad, the happy & the sad, the highs & the lows… the biggest picture, only God knows."

Sa comment section ay idinetalye ni Rita ang kaniyang beauty secrets.

"Salamat sa inyong lahat. Ang babait ninyo thank you."

"Secret? Inom ng maraming tubig, wag masyado sa araw, matulog nang maayos, maging malinis sa katawan, moisturize, massage face gently, paderma, mag-donate ng dugo, mag-exercise o walking, green tea, vitamins, magbasa ng magandang libro (the brain needs an exercise too), dalin ang problema nang mabuti kasi sa balat nagmi-meet ang panloob at panlabas na epekto ng lahat ng iniisip at ginagawa natin."

Screengrab mula sa FB ni Rita Avila

Sa isa pang hiwalay na Facebook post ay mas idinetalye pa ni Rita ang kaniyang beauty tips. Ibinigay niya ang palagay tungkol sa nagagawa ng siyensiya sa pagpapaganda.

"BOTOX? Eto ang sasabihin ko sa inyo, pwede shang makaganda pero pwede rin shang makapangit. Ang SIYENSIYA pwede naman talaga makaganda. Pero pwede ring may mas pumangit. #risks."

Kaya matinding payo niya sa lahat, lalo na sa mga babae, "Alagaan ang sarili. Ikaw lang ang makakapag-alaga sa iyo sa paraan na gusto mo."