Panibagong milestone para sa Gigi Vibes sa pangunguna ni Gigi De Lana ang ipinagdiwang ng banda ngayong Linggo, Abril 16.

Tumabo na sa mahigit 40 million views ang cover ng classic hit na “Through The Fire” sa YouTube matapos lang ang halos dalawang taon.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Ang Chaka Khan hit ang isa sa mga unang viral covers ng grupo noong 2021 na naging hudyat din ng pagbulusok ng banda sa kasikatan.

Naging daan din ang mga cover ng grupo para sa kaliwa’t kanang paghanga ng international YouTubers sa Pinay diva.

Kung babasahin ang mga komento sa viral cover, kapansin-pansin dito ang iba’t ibang lahi na nagpahayagb ng pagkabilib sa husay ni Gigi, at maging ng kanyang banda.

Para naman ipagdiwang ng grupo ang bagong milestone ay isang live session sa kanilang Gigi Vibes TV ang handog ng banda nitong Linggo.

Basahin: Gigi De Lana niratrat mga mapanghusga, ipokrita: ‘Wag kayong magmalinis!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bumuhos naman ang pagbati ng fans at online followers ng grupo.

Congrats Gigi Vibes!