Hiniling ng isang grupo na palakasin pa ang lokal na produksyon ng bigas sa bansa sa gitna ng tumataas na presyo nito.

Paliwanag ni Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, makikinabang lamang umano ang mga importer sa planong pag-aangkat ng bigas ng pamahalaan.

Dismayado rin ang grupo sa kakapusan ng buffer stock ngNational Food Authority (NFA).

Malaki rin aniya ang posibilidad na tumaas pa ang presyo nito sa merkado.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Idinagdag din nito, dapat na dagdagan ng pamahalaan ang ayuda ng mga magsasaka upang maiwasang tumaas ang presyo ng bigas.