Kinagaliwan ang birthday prod ng “Queen of the Dance Floor” na si Kim Chiu sa ABS-CBN musical variety show na “ASAP Natin ‘To,” Linggo, Abril 16.

Kasama ni Kim sa naturang prod pinaka-bagong global pop group na HORI7ON, at tila nagkaroon sila ng mini reunion dahil matatandaang si Kim ang host ng idol survival show na “Dream Maker” kung saan nabuo ang grupo.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

https://twitter.com/asapofficial/status/1647458017502441472?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

Nagpasalamat naman si Kim sa kaniyang “ASAP Natin ‘To” family sa pagbibigay sa kaniya ng pagkakataon na makapag-birthday prod sanasabing programa.

Nagbigay din ito ng mensahe sa kaniyang mga “babies” na HORI7ON na bagama’t abala sa kanilang kaliwa’t kanang mall shows at naghahanda na para tumulak sa South Korea para sa kanilang debut ay nasamahan pa siya sa kaniyang birthday prod.

Mapapanood ang “ASAP Natin ‘To” tuwing Linggo sa lahat ng ABS-CBN platforms.