Pinayuhan ng Department of Health (DOH)-Ilocos Region nitong Linggo ang mga residente sa kanilang lugar na magpakulo ng kanilang inuming tubig, kung walang suplay ng potable water, upang makaiwas sa diarrhea at iba pang water-borne disease.

Paliwanag ng DOH,dahil sa napakainit na panahon, tumataas ang mga kaso ng diarrhea na ang kalimitang naaapektuhan ay mga kabataan.

“Because of their playful trait, children need a lot of fluid to rehydrate after playing and they usually drink directly from tap water or from other sources such as juices being sold by ambulant vendors frequenting the streets,” lahad ni Regional Director Paula Paz Sydiongco.

Tiniyak rin naman ni Sydiongco sa mga residente na ang mga kaso ng diarrhea sa rehiyon ay nananatiling manageable at may nakaantabay na silang iba’t ibang medical commodities upang maiwasan ang pagkakaroon ng posibleng outbreak ng naturang sakit sa lalawigan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi naman ni Regional manager for the food and waterborne disease prevention and control program Kaye Valdez na ang provincial health offices sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan, na kinabibilangan ng city health office ng Dagupan City ay nakatanggap na ng kanilang suplay.

Sinabi naman ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), mayroong kabuuang 4,712 acute watery diarrhea cases na naiulat ng iba’t ibang disease reporting units (DRU) sa Region 1 mula Enero 1 hanggang Marso 25, 2023, at pitong naitalang binawian ng buhay.