Nakakaloka naman itong isang netizen na pati itim na tuhod ni Kim Molina habang nagbabakasyon kasama ang boyfriend na si Jerald Napoles ay ginawan pa ng malisya! Aktres, agad na pinalagan ang hanash.

Sa latest social media update ni Jerald, makikita ang isang reel tampok ang kanilang bakasyon galore sa Bali, Indonesia.

View this post on Instagram

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles)

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dito ay walang pake, at tila may sariling mundo lang ang dalawa habang ini-enjoy ang bawat moment kasama ang isa’t isa. Ikanga swak pati sa kalokohan!

Habang kilig na kilig naman sa celebrity couple ang kapwa celebs kagaya nina Dimples Romana, Macoy Dubs, Valeen Montegro, Christine Reyes, at maraming netizens, isang echoserang netizen naman ang walang kaabug-abog na umeksena sa comment section.

“Hilig nyo sa doggy itim ng tuhod hahahaha,” malisyusong sey ng netizen sa dapat ay good vibes lang na content.

Hindi naman nagustuhan ni Kim ang nasabing komento na agad niyang pinalagan.

“’Di ko na dapat papatulan pero okay patola ako ngayon. Sa mga nagtatanong tungkol sa tuhod ko, nag-Blai po kami after ng show ko for Zsaza Zaturnah,” panimula ni Kim dagdag sabing umabot ng 17 live shows ang kinailangan niyang itanghal.

“Bugbog sa fight scenes, talon dito, bagsak doon, malang ‘di moa lam dahil ‘di ka naman nanood panigurado.

“Dinala ako ni Je sa Bali para makapagpahinga. Tigil-tigilan mo rin akong sagutin na ‘Green-minded ka Ms. Kim, aso ibig kong sabihin.’ Pakabastos mo eh. Kung sino ka man sa likod ng dummy account na ‘yan, pagdasal kong may partner ka ring nagmamahal sa’yo. Ingat na lang lagi at bakasanamadapaka,” pagtatapos ni Kim.

Mukhang wala namang panahon para mag-chill lang sa bashers ang dalawa na patola rin minsan online.

Matatandaan ang kamakailang pagtatanggol naman ni Jerald sa girlfriend matapos okrayin ng isang netizen kaugnay ng pagganap ng huli bilang latest Zsaza Zaturnah.

Basahin: Jerald Napoles, niresbakan ang nobyang si Kim Molina matapos okrayin ng isang netizen – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid