Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na hindi na magkakaroon ng paghahanap sa “Brigada Eskwela Best Implementing School Award” ngayong school year matapos rebisahin ang 2022 Brigada Eskwela Implementing Guidelines nito.

Ayon sa DepEd Memorandum No. 020 s. of 2023 na pinirmahan ni Undersecretary Revsee Escobedo, binago ng ahensya ang nasabing guidelines bilang tugon sa mga isyu at alalahanin sa pagpapatupad ng Brigada Eskwela Program.

Dahil wala nang Brigada Eskwela Best Implementing School Award, sinabi ng DepEd na wala na ring bisa ang nagawang alituntunan at pamantayan sa pagpili para rito.

“There will be no certificate of recognition given to School Heads and Teachers, which has corresponding points for outstanding accomplishment for the purpose of promotion and office/individual performance,” saad ng memorandum.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sinabi rin ng DepEd na bibigyan ng Certificate of Recognition ang mga eskwelahang nagsagawa ng Brigada Eskwela noong nakaraang taon bilang pagkilala sa kanilang pakikilahok at suporta sa paghahanda sa pagbubukas ng mga klase.

Pinahihintulutan pa rin naman umano ang Schools Division Superintendents (SDS) na magpasya kung paano nila kikilalanin ang mga paaralang may “exemplary implementation” ng Brigada Eskwela.