Nakarating na sa Manila si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala nitong Linggo ng gabi, Abril 16, para sa dalawang araw niyang pagbisita sa Pilipinas upang talakayin umano ang iba’t ibang mga usapin kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Inaasahang pag-usapan ng dalawang lider ng mga bansa ang iba’t ibang isyu tulad ng defense cooperation, trade and investment, university linkages, judicial cooperation, at labor cooperation habang nasa Manila si Fiala mula ngayong Linggo hanggang sa Martes, Abril 18.

Tatalakayin din umano ang magiging paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic sa Oktubre.

“The goal of the trip, on which I’m accompanied by a large business delegation from the Chamber of Commerce and a number of other entrepreneurs, is to improve and develop relations with countries in this region and support Czech companies on local markets,” pahayag ni Fiala sa kaniyang social media accounts.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Support from the state is important for Czech companies everywhere in the world. However, the Indo-Pacific and Central Asia are also important for the Czech Republic for other strategic reasons. I believe that within such an intensive program we will succeed in supporting not only bilateral, but mainly business relations,” dagdag niya.

Sa pagdating ni Fiala sa Villamor Airbase, Pasay City, malugod siyang tinanggap ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. at binigyan ng military honors.

Samantala, makatatanggap din si ang prime minister ng arrival honors sa Kalayaan Grounds ng Malacañang Palace bago pirmahan ang guestbook sa Reception Hall sa Lunes, Abril 17.

Magsasagawa rin siya ng close-door meeting kasama si Marcos sa Music Room bago ang Philippine-Czech Republic bilateral meeting sa Aguinaldo State Dining Room.

Pagkatapos nito, pipirma sina Marcos at Fiala sa isang kasunduan at magdaraos ng joint press briefing sa President’s Hall.

Susundan ito ng isang photo opportunity sa Reception Hall at official dinner na pangungunahan ng Pangulo sa Ceremonial Hall, kung saan magkakaroon ng book launching ng “Kaibigan – Pratele: Czech-Philippine Cultural and Diplomatic Dialogue.”

Magbibigay din umano ng talumpati ang dalawang sina Marcos at Fiala.

Pagdating naman sa Martes, Abril 18, bibigyan ng karangalan ni Fiala ang bayaning si Dr. Jose Rizal sa pamamagitan ng seremonya ng wreath-laying bago siya umalis ng bansa.

Raymund Antonio