Kung dati ay pinag-usapan ang kissing scenes ni Kapamilya star Joshua Garcia sa mga naging leading ladies niya sa "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" kagaya nina Jane De Leon at Janella Salvador, tila hindi naman papakabog dito si "FPJ's Batang Quiapo" director at lead star Coco Martin.
Naging usap-usapan kasi ang higupan scene nila ni "Mokang," ang karakter na ginagampanan ng leading lady niya na si Lovi Poe.
Tagpo ito sa debut party ng karakter ni Lovi sa covered court ng kanilang barangay, kaya naman nasaksihan ng lahat ang kanilang tukaan!
Grabe ang reaksiyon ng viewers at netizens sa laplapan ng dalawa dahil kitang-kita talaga at hindi fake ang kanilang ginawa.
Pero sa bandang dulo, panaginip lang pala ito ni Mokang.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen, na mababasa sa ABS-CBN reels.
"Ba't parang bold hahaha."
"Kaya pala my pa-heart broken emoji si Julia M eh💔 sana if my partner ka na or asawa choice mo na alisin na yung mga ganiyang kiss as a respect sa feelings ng partner mo…"
"Kaya pala heart broken ang post ni Julia sa IG."
"Grabe tinalo na ni Coco si Joshua hahaha."
Ano kaya ang reaksiyon dito ng rumored girlfriend ni Coco na si Julia Montes?