Si Kapamilya star Anne Curtis pa rin ang nananatiling most followed Filipino celebrity sa social media platform na Instagram.

Ito’y matapos tumabo pa sa mahigit 19 million ang kaniyang followers kamakailan.

Nitong Sabado, Abril 15, “grateful” si Anne sa milyun-milyon niyang tagasubaybay sa IG.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Seriously though, to all the lurkers, likers, followers that are here just for the heck of it and of course, luuuurvers, thank you 🤗,” sey ng celebrity mom.

Basahin: Pagtakbo ni Anne Curtis sa Tokyo, alay sa kabataang Pinoy; target na P1M donasyon, tatapatan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa serye ng mga larawan ay kasama niya rin ang cute na cute na si Dahlia na tila nakuha sa aktres ang kapilyahang taglay.

Basahin: Ama ni Anne Curtis, napa-thowback, proud sa achievements ng anak – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasalukuyang nasa 19,024,160 ang kabuuang followers ni Anne.

Samantala, pumapangalawa naman kay Anne sa listahan ng most followed Pinoy celebs si Hawaii-based online influencer Bretman Rock na mayroong 18.7 million followers.

Pangatlo sa ngayon si Kathryn Bernardo na mayroong 17.7 million followers habang ikaapat sa kanya si Liza Soberano na kasalukuyang mayroong 17.6 million followers.