Patay ang isang miyembro ng New People's Army (NPA) matapos makasagupa ng grupo nito ang tropa ng gobyerno sa Zamboanga del Norte nitong Sabado.

Sa pahayag ng 97th Infantry Battalion (97IB), hindi pa nakilala ang napatay na rebelde.

Sinabi ng militar, dakong 7:50 ng umaga nang maganap ang engkuwentro sa Barangay Linabo, Polanco.

Naiulat na nagresponde lamang ang tropa ng pamahalaan matapos makatanggap ng impormasyon na may namataang grupo ng mga rebelde sa lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tumagal ng 15 minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ng naturang rebelde na iniwan ng mga kasamahan nito.

Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng militar.

Nasamsam sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M16 Armalite rifle at ibang mga gamit ng mga rebelde.

Philippine News Agency