Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa Caloocan, Navotas at Quezon City simula Abril 17-24.

Sa abiso ng Maynilad Water Services, Inc., binanggit nito ang nakatakda nilang maintenance activities upang mapabuti pa ang serbisyo nito sa West Zone.

"In Caloocan City, the affected areas from 11 p.m. of April 17 to 4 a.m. of April 18 are in Barangays 28, 31, and 35, specifically along Dagat-Dagatan extension corner C3, and Barangays 99 to 102, particularly along 9th Street and 8th Street corner Galino III.Barangays 20, 12, and 14, specifically along Tilapia corner Tamban, Lapu-Lapu (northeast) corner Dagat-Dagatan and Pagadang Alley corner C3, respectively will be affected from 11 p.m. of April 18 to 4 a.m. of April 19," ayon sa Maynilad.

Maaapektuhan din ng water supply interruption ang Brgy.93, 97, 98, 101 hangga 105, 107, 108, at 121 sa 9th Street corner 10th Avenue; Brgy. 134 at 135, partikular na sa Tirad Pass corner Gen. Tinio; at Brgy. 157, partikular na sa Tangke corner Sampaguita, simula Abril 19 dakong 11:00 ng gabi hanggang Abril 20 dakong 4:00 ng madaling araw.

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Sa Navotas City, apektado rin ng pagkawala ng suplay ng tubig angBrgy. Northbay Boulevard (south), sa Dalagang Bukid (west) corner C3.

Mawawala rin ang suplay ng tubig sa panulukan ng 9th Street, 8th St. at Galino III simula Abril 17 dakong 11:00 ng gabi hanggang Abril 18 dakong 4:00 ng madaling araw.

"Brgy. Gulod, specifically along Villareal corner Quirino Highway; Barangays Paltok and Paraiso, particularly along Roosevelt corner Cooper, will be affected from 10 p.m. of April 18 to 6 a.m. of April 19. Brgy.San Antonio, specifically along Batangas corner Roosevelt, will be affected from 10 p.m. of April 19 to 6 a.m. of April 20," ayon sa abiso ng nasabing water concessionaire.

Kabilang din sa apektado ng water service interruption ang Brgy.Toro, Sauyo, at Tandang Sora, partikular na sa Bagbag, Brgy.Apolonio Samson, Balingasa, Pag-ibig sa Nayon,Don Manuel at Dona Aurora, partikular na sa Sto. Tomas corner Plaridel.

Pinayuhan din ng kumpanya ang mga residente na hintayin ang mga water tanker na magrarasyon ng tubig sa kani-kanilang lugar.

Philippine News Agency