Mukhang well-rested na nga ang boses at lalamunan ni Kapamilya singer Jona Viray na pahapyaw nang ipinakilala ng “It’s Showtime” bilang bagong hurado ng Tawag ng Tanghalan.

Basahin: Matapos ang viral na pagbirit kahit maga ang lalamunan, Jona ipapahinga muna ang boses – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito na nga ang ikina-excite ng fans ng patok na reality show gabi ng Sabado, Abril 15.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Madlang people! She is FEARLESS,” sey ng official Facebook page patungkol sa singer.

Bagaman ay tila dinaan din sa biro ng iba ang mga hula sa bagong hurado kagaya raw nina Taylor Swift, Kim Garam ng Le Ssefarim, Ariana Grande o Olivia Rodrigo, marami rin naman ang rektang na-excite sa balitang si Jona nga ang newest addition sa TNT hurados.

Ang Kapamilya star ang isa kikilatis sa mga quarterfinalists sa ikaanim na taon ng TNT na aarangkada ngayong Lunes, Abril 17.

Si Jona na dating Jonalyn Viray ay nakilala bilang unang grand champion ng Pinoy Pop Superstar ng GMA Network noong 2005.

Noong 2016 nang lumipat ang singer sa ABS-CBN Kapamilya Network kung saan lalo pa siyang nakilala bilang mainstay ng ASAP Natin ‘To at bahagi ng sikat na segment na “Birit Queens.”

Ilang chart-topping hits kagaya ng “Maghihintay Ako,” “Sampu,” at versions ng “You,” “I’ll Never Love This Way Again,” at “Pusong Ligaw,” ay kabilang din sa mahabang discography ni Jona.

Congrats, Jona!