Mukhang nakarating na nga kay Bryanboy o “Ninang” ang birada sa kaniya ng online personality at negosyanteng si Rendon Labador matapos durugin ang naunang “motivational rice” ng huli.

Matatandaan ang viral na pagsupalpal ng fashion personality sa kontrobersyal na kanin ni Rendon sa restaurant nito. Tinapatan kasi ito ng libu-libong halaga na Gucci rice ni Ninang.

Basahin: ‘Katarantaduhan!’ Bryanboy dinurog ‘motivational rice’ ni Rendon Labador – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

As expected, ay lalo pang humaba ang bangayan ng dalawa nang sagutin naman ni Rendon ang pambabarda ng fashion socialite kamakailan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: Gucci rice ‘sinaboy’ ni Rendon kay Bryanboy; ‘Wala akong pakialam sa Gucci rice mo!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Akala ko matalino ka? May pera ka, pero tanga ka. Una sa lahat, sino ka ba? Wala akong pakialam sa Gucci rice mo. Ang binabago ko rito yung mindset ng mga Pilipino. Ano yung sinasabi mo na problema ng mga mahihirap? Di ba dapat doon tayo magsimula? Tulungan yung mga mahihirap na masolusyunan ang mga problema nila,” resbak ng motivational speaker kay Ninang.

“Wala naman akong pakialam sa presyo. Hindi naman presyo yung usapan dito eh. Ang usapan dito, dapat nating baguhin yung maling mindset ng mga Pilipino para maafford nila yung mga gusto nilang maafford sa buhay nila,” pagpapatuloy niya.

Nitong Sabado, Abril 15, ay tila nakarating naman kay Ninang ang mga hanash na ito ni Rendon.

“Balita ko, meron napikon sa post ko. Bumubula ang bunganga niya,” sey niya sa isang short clip sa Facebook.

Tila wala namang balak na gatungan pa ni Ninang si Rendon sa usapang kanina at sa halip ay may bagong entry ito sa hapag.

“Kakauwi ko lang galing Rome Italy from a business trip. Dedma na po tayo sa rice. Chaka ang rice. Nakakasawa. Here’s what I have for you. Fendi pasta. Mas mahal lang siya kaunti sa Gucci rice,” chika sabay segue ng fashion personality sa aniya’y EUR 40,000-halaga na pasta kada pakete.

Isang maanghang na birada naman ang iniwan ni Ninang sa pagtatapos ng video. Pasaring kay Rendon?

“‘Di po ba katangahan ‘yung nagbukas ng restaurant tapos nilangaw ang grand opening,” talak niya.

Basahin: ‘Simbilis ng weekend’: Bagong bukas na resto ni Rendon, isinara – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan ang pinag-usapang pagsasara agad ng resto ni Rendon kamakailan dalawang araw lang matapos itong magbukas sa publiko.

Sa ngayon, wala pang reaksyon si Rendon sa bagong hanash ni Ninang.