Viral ang chika ng komedyana, singer, at TV personality na si Kakai Bautista matapos ang isang “sana-all” moment na experience sa Japan kamakailan.

Base sa kaniyang serye ng online updates, enjoy na enjoy na nagbabakasyon ngayon si Kakai sa Sakura sa naturang bansa nga.

Isa namang experience ang ikinaloka ng komedyana matapos maiwan ng isang kaibigan ang kaniyang camera sa tren.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

“Ni-report lang namin sa company nung train at station kung saan naiwan. Naibalik sa kanya kinabukasan,” nakaka-amaze na kuwento ni Kakai.

“Mapapasana-all ka nalang talaga,” dagdag niyang hirit na dagdag sa mga dahilan kaya paborito aniyang bakasyunan ang naturang bansa.

Sa parehong post ay napakuwento rin ang content creator na si Macoy Dubs sa kaniya ring naging magandang experience sa mga Hapon nang mawala naman ang kaniyang cellphone sa isang ski resort.

“Mami Kakai naloka din ako dyan sa Gala Yuzawa Ski Resort, naiwan ko fonelya ko sa Cable Car, 30 mins namin hinanap, akala ko nahulog na sa snow, pagbalik namin sa station tinanong lang namin sa information, may nag surrender daw na Japanese nakita saCR. Doon ko pala naiwan. Haha! Iba sila,” salaysay ni Macoy.

“Ang bongga no mami?!!!! Apaka modest, Polite and Honest ng mga Hapon ih,” tugon ni Kakai.

Maliban pa ka Macoy ay kaniya-kaniya ring share ang ilan pang netizens sa naging good experience nila sa bansa at sa mga Hapon mismo.

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 24,000 reactions ang viral nang post ngayon ng komedyana.