Iflinex kamakailan ni The Clash champion at Queendom diva Jessica Villarubin ang kaniyang beach-ready na pangangatawan na pinusuan naman ng kaniyang masugid na fans at netizens.

Blooming at fresh ang Kapuso singer sa kamakailang bakasyon sa beach, bagay na agad namang napansin ng kaniyang followers online.

Pinusuan lang naman ng netizens ang isang partikular na post kamakailan ni Jessica kung saan confident, fierce at all-smile siya suot ang litaw na litaw na pink two-piece swimsuit. Effortless na bumigay ito sa young singer!

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Beach daze, always,” sey niya sa kanyang caption.

Inulan ng good comment at pawang admiration lang kay Jessica ang sey ng netizens.

“Huy, guys kalma!! Ako lang to!” pilyang hirit na ng Kapuso star sa positive na feedback ng fans.

Malayo na nga ang narating ni Jessica sa kaniyang career mula sa kaniyang tagumpay sa ikatlong season ng The Clash noong 2020 hanggang sa tinatamasang complete transformation ngayon.

Si Jessica ay mainstay ng Kapuso Sunday musical variety show na “All-Out Sundays” kung saan tampok siya sa segment na “Queendom.”