Nasa ₱100,490,622.29 humanitarian assistance ang napakinabangan ng mga naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro kamakailan, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Biyernes.

Pinagbatayan ng Malacañang ang ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan binanggit na kabilang sa nabigyan ng tulong ang 187 barangay sa Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) o Region 4A, MIMAROPA (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan) o Region 4B, at Western Visayas.

Halos umabot naman sa ₱1.4 bilyon ang available na relief resources ng pamahalaan, kabilang ang mahigit sa ₱120 milyon standby fund o quick response funds (QRF). 

Binanggit ng DSWD, patuloy pa rin ang isinasagawang validation at assessment sa mga nabanggit na lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang lumubog ang MT Princess Empress sa bahagi ng Naujan, Oriental Mindoro habang naglalayag mula Limay, Bataan patungong Iloilo matapos hampasin ng malalaking alon noong Pebrero 28.

Mahigit sa 800,000 litro ng industrial fuel oil ang karga ng nasabing oil tanker nang maganap ang insidente.