Matapos maregulahan ng mamahaling motor kamakailan ang partner na si Cong ay tila naging emosyonal naman si Viy Cortez matapos magbalik-tanaw sa layo na ng kanilang narating sa buhay. Tanging sambit lang ng online personality ang pasasalamat sa Panginoon.

Ito ang mababasa sa latest Facebook post ni Viy nitong Biyernes, Abril 14 habang ibinahagi sa milyun-milyong followers ang dating sitwasyon nila ni Cong sa dating motor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Naalala yung panahong yung helmet namin ni [C]ong napakaluwag, tapos si warsak luluwa yung ilaw hahawakan nalang ni [C]ong at magflash light ako sa phone ko para makita kami ng mga dumadaan na kasalubong naming,” sey ni Viy kalakip ang larawan nila ni Cong.

Basahin: Viy Cortez, bineybi si Cong TV; netizens, nalula sa presyo ng regalong motorsiklo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Grabe si Lord,” pagbabalik-tanaw ng online personality.

Maliban sa kaniyang success sa online venture bilang content creator ay isa nang ganap na negosyante at ina si Viy.

“Yung pag mamahalan namin nung panahon na yun at ngayon mag kasing-tamis pa [r]in lalo na may kidlat pa kami ngayon. Wala ako ibang masabi kundi salamat Panginoon,” pagtatapos niya.

Ikinaantig ng maraming netizens ang post ng online star para umabot agad ito ng nasa mahigit 56,000 reactions makalipas lang ang higit isang oras.

Pawang inspirasyon lang naman ang naging hatid ng power couple sa followers at fans.

Basahin:‘Worth the wait!’ Cong TV at Viy Cortez, engaged na! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang noong Oktubre 2022, kasabay ng binyag ng unang supling ng YouTube couple na si Kidlat, hiningi na ni Cong sa wakas ang palad ni Viy para sa isang panghabambuhay na pangakong pagsasama, ang kasal.

Mahigit pitong taon nang magkarelasyon sina Cong at Viy.

Basahin:Viy Cortez kay Cong TV: ‘Tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid