Inanunsyo ng drag queen-host na si Manila Luzon kasama ang direktor na si Rod Singh ang mga detalye sa ikalawang season ng drag-reality TV show na “Drag Den Philippines,” Biyernes, Abril 14.

Ngayong araw din mismo binuksan ang audition na tatakbo hanggang sa Abril 30 para sa nagnanais maging bahagi ng programa.

Makikita sa Facebook page ng “Drag Den Philippines” ang mga detalye ng audition.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Napuno naman ng excitement ang “Drag Addicts” o mga taga-subaybay ng “Drag Den PH” sa anunsyong ito.

Matatandaang matagumpay ang unang season nang nasabing programa, kung saan naiuwi ng drag queen na si NAIA Black ang titulo bilang kauna-unahang “Drag Supreme.”

Mapapanood pa rin ang “Drag Den Philippines” sa streaming platform na Prime Video.