Ngayong may segundang project na agad si Joshua Garcia kasunod ng pagbida sa Darna, naiintriga ngayon umano’y wala pa raw nakalinyang next project ni Jane de Leon. Eh bakit nga kaya?

Nasa Japan ngayon ang Kapamilya star base sa kaniyang latest Instagram update. Bakasyon galore ang latest Darna na hindi naman nakaligtas sa mga intriga sa kamakailaang showbiz update ni Ogie Diaz sa YouTube.

View this post on Instagram

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Ayon sa nagchika raw sa talent manager, “mukhang matatagalan daw” bago masundan ang next show ng aktres.

“Ang sabi, parang medyo mahirap daw katrabaho si Jane. Ang sabi pa medyo may kaartehan daw si Jane sa set,” sey ni Ogie na pinabulaanan naman ng isa pang friend na nagsabi namang sa katunayan ay “masunurin sa set” ang Darna star.

Ayon nga lang ay “hindi daw daw maintidihan ng ibang production na si Jane minsan ay may dinaramdam, masakit nag ulo” bagaman work pa rin naman ito nang work, dagdag ni Ogie.

Depensa naman ni Mama Loi, baka naman daw ay parte ng nachikang kaartehan ni Jane ang literal na pagod dala ng matitinding eksena at aksyon na ni-require ng Darna.

“Kasi nung nainterview ko naman dito si Jane, mukha namang mabait at mukha namang masunurin,” segunda ring testimonya ng talent manager.

“Mukhang magaling makasama,” gatong ni Mama Loi.

“May pangarap talaga yung bata,” dagadag ni Ogie.

Pagpapatuloy ng showbiz insider, sa produksyon din karaniwan nagsisimula ang pagbibida sa mga aktor para sa next project lalo na kung nakitaan talaga ng ng husay sa trabaho.

“Hindi lang natin alam baka hindi pa nakakarating sa atin na may offer o alok pala dito kay Jane de Leon. Hintayin natin, susulpot din naman ‘yan,” sey ni Ogie na sa kaniyang experience naman bilang manager ay kung sa malamang ay masusundan ang project ng aktres dahil nagbida nga ito sa isang malaking project, at Darna pa.

Samantala, deserve na deserve naman ani Ogie ang pagpapahinga ngayon ni Jane.