Tinatayang 43.47% examinees ang tagumpay na nakapasa sa November 2022 Bar Exams, ayon sa Korte Suprema nitong Biyernes, Abril 14.

Ayon kay Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, sa 9,183 na mga kumuha ng naturang exam, 3,992 ang pumasa.

Isinagawa umano ang November 2022 Bar Exams sa 14 local testing centers noong Nobyembre 9, 13, 16, at 20.

Ayon pa kay Caguioa na siyang namuno sa isinagawang pagsusulit ngayong taon, magaganap ang oath taking at roll signing ng mga pasado sa darating na Mayo 2.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Congratulations, Passers!