MABALACAT CITY, Pampanga -- Binuwag ang dalawang drug den sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Barangay Dau nitong Huwebes ng gabi, Abril 13.

Inaresto ng awtoridad mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang walong drug suspects at nakumpiska ang nasa P159,600 halaga ng umano'y shabu.

Dakong 10:32 ng gabi, naaresto ang dapat na drug suspect kabilang ang operator na si Marlon L. Pascual, alyas Jesus, 42, at nakuhanan ng 10 gramo ng umano'y shabu na may halagang P69,900, at iba't ibang uri ng drug paraphernalia.

Samantala, dakong 11:20 ng gabi, isinagawa ang ikalawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat pang suspek.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasamsam sa kanila ang 13 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang hindi bababa sa P89,700 at iba pang mga items.

Ang mga operasyon ay isinagawa ng PDEA Region III-Tarlac Provincial Office.

Mahaharap sa kasong paglabas saRepublic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek.