Usap-usapan ngayon ang cryptic tweet ng Kapuso actor at lead star ng "The Write One" na si Ruru Madrid patungkol sa mga taong mahilig manghila pababa kapag nakikita nilang umaangat na sa kaniyang estado ang isang tao.

Sa mga Pilipino, tinatawag itong "utak-talangka o crab mentality."

"May mga tao na sadyang di lang masaya sa tuwing may mga umaasenso sa buhay… kaya gagawin nila ang lahat para lang hilahin ka pababa," makahulugang real talk ni "Lolong."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/Rurumadrid8/status/1646067909704454144

Hindi naman matukoy kung sinong tao ang partikular na pinatatamaan niya, subalit nakasuporta naman sa kaniya ang netizens lalo na ang kaniyang fans.

Makikitang nagkomento rin dito ang taga-ABS-CBN production na si Darla Sauler.

"True," sey nito.