Isinapubliko ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Huwebes, Abril 13, ang bago nitong opisyal na logo.

Sa Facebook post ng PCO, ibinahagi nitong gagamitin nila ang bagong logo para sa mabisa umano nilang pagbibigay ng impormasyon.

“Simula ngayong araw, gagamitin na ng Presidential Communications Office (PCO) ang bago nitong opisyal na logo upang mas mabisa nitong maibahagi ang misyon bilang pangunahing ahensya ng ehekutibo sa paghahatid ng impormasyon sa publiko,” saad nito.

Ayon pa sa PCO, may mga simbolo ang bawat disensyo na makikita sa kanilang bagong logo.

National

Ex-Pres. Duterte sa mga kriminal sa Davao City: ‘Find another place!’

“Makikita sa bagong PCO logo ang araw na matatagpuan din sa watawat ng bansa, tatlong bituin na sumisimbolo sa Luzon, Visayas at Mindanao, isang pluma na sumasagisag sa pagsulat at komunikasyon, at kidlat na tanda ng mabilis na pagpapadala ng balita,” anang PCO.

Ang PCO, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay pinamumunuan ni Secretary Cheloy Velicaria-Garafil.

Bago umano ito tawaging PCO, tinawag muna itong Office of the Press Secretary.