Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang natagpuang bangkay sa karagatang bahagi ng Basilan ay huling nawawalang pasahero ng nasunog na MV Lady Mary Joy 3 sa lalawigan kamakailan.

Sinuportahan din ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pahayag ng PCG kung saan ang sundalo na si Private First Class (Pfc) Marion Malda, miyembro ng Philippine Army (PA).

Natagpuang lumulutang ang bangkay ni Malda sa bisinidad ng karagatang sakop ng Barangay Sulutan Matangal sa Hadji Mohammad Adjul nitong Abril 11.

Sa kabuuan, 33 na ang nasawi sa insidente habang 216 na pasahero ang nailigtas.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang biglang lumiyab ang barko habang naglalayag mula Zamboanga City patungong Jolo, Sulu, sa Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad, Basilan nitong Marso 29.