Pinag-aaralan pa ng pamahalaan ang pag-aangkat ng bigas upang tumatag ang suplay at buffer stock ng bansa.

Nitong Huwebes, nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) upang talakayin ang nasabing hakbang ng gobyerno.

Kabilang din sa tinalakay sa pagpupulong ang pagpapatupad ng tamang presyo ng bigas sa merkado.

Inilatag din ng DA sa pagpupulong ang kanilang ulat hinggil sa inilabas na bilang ng Sanitary Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) para sa taon na ito, at ang sitwasyon ng bigas sa bansa na sumasaklaw sa suplay at demand para sa unang tatlong buwan ng 2023.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Hinimay din sa naturang meeting ang presyo ng palay sa kada rehiyon at ang international price ng bigas (Vietnam, Thailand at India).

Nagbigay naman ng impormasyon ang NFA sa kanilang suplay at reserba sakaling magkaroon ng kalamidad, mga hakbang sa pagpapanatili ng shelf-life ng nabiling bigas, mga bagay na nakaaapekto sa presyo ng NFA sa pagbili ng palay, lalo na sa panahon ng tag-init at tag-ulan at mga mungkahing hakbang para sa nasabing usapin.