LA TRINIDAD, BENGUET – Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency Central Luzon ang dalawang drug peddlers na sangkot umano sa bultuhang distribusyon ng marijuana sa Bulacan nitong Miyerkules sa isang pribadong parking lot sa Barangay Balili, bayan ng La Trinidad.

Nasamsam sa buy bust operation ang labinlimang kilo ng cannabis sativa (marijuana) na nagkakahalaga ng Php 1,700,000.

Kinilala ng mga operating team ang mga naarestong suspek na sina Marion Tinapen Asislo, 35; Amado Paycao ,40, kapwa taga Santol, La Union.

Pinaniniwalaang sangkot ang mga suspek sa bulk distribution ng marijuana sa Bulacan at mga karatig lalawigan sa Central Luzon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang sting operation ay nagbunga ng pagkarekober ng 14 na piraso ng tape-wrapped tubes na naglalaman ng humigit-kumulang 15 kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nasa 1,700,000.00 ang street value; at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Bulacan Provincial Office at PDEA CAR.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang isasampa laban sa mga naarestong suspek.