Matapos iflex noong New Year at Valentine's Day ay muling ibinida ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang mga litrato nila ng special friend na si Queen of All Media Kris Aquino kasama ang mga anak nitong sina Bimby at Kuya Joshua, habang sila ay nasa Newport Beach, California noong Easter Sunday.

Batay sa Instagram stories ni Leviste ay mukhang bumubuti na ang lagay ni Kris dahil mamula-mula na raw ang pisngi nito at nakakalabas na sa ospital o loob ng tinutuluyan upang maglakad-lakad.

Screengrab mula sa IG stories ni Mark Leviste

Indian doctor, natunton na raw ang pinagmumulan ng sakit ni Kris Aquino

Sa isa pang litrato ay makikitang nakahiga sa kaniyang kama si Kris habang nakangiting gumagamit ng kaniyang cellphone.

So tanong ngayon ng netizens, si Vice Gov Mark na ba ang bagong nagpapangiti kay Krissy?

Samantala, ayon sa panayam kay Bimby ay stable na ang kaniyang ina.

"Okay naman. Stable, that’s the word for it. Stable lang but, of course, still beautiful,” aniya.

Matatandaang napaulat na rin ang pagbuti ni Kris matapos daw magpatingin sa sikat na Indian doctor na dinarayo pa ng mga pinakamayayaman at sikat na tao sa buong mundo dahil sa husay manggamot.