Isang batang babaeng kumakanta para sa isang presentasyon noong Linggo ng Pagkabuhay ang nag-attitude matapos 'di sinasadyang masiko sa ulo ng katabi. 

“Yung seryoso ka sa pagkanta tapos bigla kang nasiko sa ulo ng katabi mo. Minus ten cyst, dika nakapagpigil. Anghel ang nasa harap mo.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Mapapanood sa video na ibinahagi ni Nonie De Nava, tita ng batang si Viel ang isang eksena ng isang batang babae na taimtim na kumakanta sa isang pagtatanghal noong Linggo ng Pagkabuhay, na tila nag-attitude nang biglang masiko ang ulo at napakamot sa ulo at nagmaldita.

Sa panayam ng Balita, kuwento ng kaniyang ina na hindi na na-control ni Viel na huwag lumaban at manatiling kalmado kaya naman hanggang sa matapos ang seremonya ay ganito ang bata.

Dagdag pa rito, hindi raw inupload ng tita ang video para ipahiya ang pamangkin kundi para pampa-good vibes lang sa mga netizens na nakakarelate rin.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!