Ibinahagi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Martes, Abril 11, na maaaring nasa Cambodia pa si Suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na isa sa mga tinitingnang “mastermind” sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo noong Marso 4.

“I think he’s still in Cambodia. I think he’s still there,” saad ni Remulla sa isang ambush interview.

Isiniwalat kamakailan ni Remulla na isa nga si Teves sa dalawang tinitingnan nilang mastermind sa pagpaslang kay Degamo.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Hindi pa rin nakababalik sa Pilipinas si Teves sa kabila ng pag-exipre ng official travel abroad nito noong Marso 9. Itinanggi niya ang anumang kaugnayan o pagkakasangkot niya sa pagpatay kay Degamo sa bayan ng Pamplona kung saan walo pa ang namatay.

Nasuspinde si Teves dahil umano sa pagiging “magulo at pagsuway” sa Kamara.

BASAHIN: 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves

Si House Speaker Martin Romualdez naman ang pumalit bilang legislative caretaker ng 3rd District ng Negros Oriental.

BASAHIN: Romualdez, itinalaga ang sarili bilang legislative caretaker ng distrito ni Teves

Samantala, sinabi rin ni Remulla na nakapagkita sila ng kapatid ni Teves na si dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves.

“He just repeated his public statements, the statements he had made public about his waiver (on the examination of his bank accounts and telephone records),” ani Remulla. “He disclosed to me all of these things in front of many of our DOJ staff.”

Ibinahagi ni Remulla na itinanggi ni Pryde ang pagkakasangkot niya sa pagpaslang kay Degamo.

“‘Yun ang sabi niya, he did not in any way participate in any of these things that happened,” saad ni Remulla.

“He’s in the process of trying to clear his name that he was not involved. He said had no idea this was going to happen and that he just wants to live in peace,” dagdag niya.

Nakumpirma nga na nagsumete si Pryde ng kaniyang counter-affidavit sa mga kasong illegal possession of firearms, ammunition, at explosives na isinampa laban sa kaniya sa Department of Justice.

Jeffrey Damicog