Walang kagatol-gatol na inamin ng Kapuso actress na si Lianne Valentin na ang celebrity crush niya ay ang lead star ng "Hearts on Ice" na si Xian Lim, jowa ni Kapamilya star Kim Chiu.

Sumalang nitong Abril 10 si Lianne sa "Fast Talk with Boy Abunda" at natanong sa kaniya ni Boy kung sino ang kaniyang hinahangaang celebrity. Tila kinilig naman dito ang King of Talk.

Sa tanong naman na kung sino ang bet niyang maging loveteam, walang partikular na sinabi si Lianne dahil gusto raw niya at open siyang makatrabaho kahit sino.

Matatandaang unang na-link si Xian sa kaniyang leading lady na si Ashley Ortega matapos silang maispatang magkasama somewhere. Depensa ng dalawa, magkaibigan lamang sila at baka nasa taping location sila nang mamataan ng kung sinuman.

Xian Lim, sinagot ang tsikang palihim silang nagkikita ni Ashley Ortega

Si Lianne naman, "kinompronta" kamakailan ni Carmina Villaroel hinggil sa naging relasyon umano nito sa mister na si Zoren Legaspi.

Pero take note, ang tinatanong ni Mina ay hindi sa personal kundi sa kanilang pinag-usapang seryeng "Apoy sa Langit" kung saan naging matindi ang mga eksena nila ni Zoren.