Kamakailan ay hayagan nang inilatag ni Kapuso comedian Pokwang ang legal na rekurso para sa kustodiya ng anak, at ilang pormal na paghangad sa mga dating hatian nila ng estranged husband na si Lee O’Brian.

Ito na nga, matapos na ipakita ni Pokwang sa Instagram ang paghingi na ng mga legal na serbisyo sa Calinisan Domino and Beron Offices, isang echoserang netizen ang walang kaabug-abog na sinita ang ina.

“’Di mka move-on? Saksi kc kmi sa mga food fair na sinasalihan nyo ni mr lee. At vlogs nyo din..at kumikilos din nman yung tao admit it or not. May mga naging participation din nman sya. Di mo lng kasi mtnggap na nkakita sya ng ibang babae hbang hiwalay kayo.#Moveon na. Nakkita tuloy ng mga tao ang ibang di knais nais mong paguugali,” sey ng isang Instagram account sa nasabing post ng TV personality.

Walang chill naman na sinagot ito ni Mamang Pockie. Paghamon pa niya sa netizen kung bet ba nitong maisama sa demanda.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“See? Ganyan ka kapalengkera. Galit na galit ka sa mundo. Thats how we see u. This is my 1st time to comment in a post & nkkagulat how you react to a post na para sayo ay negative on your side 😬 tatay pa rin yan ng anak mo. Try to control pa din your temper for the sake of your child,” resbak na unsolicited comment ng netizen sa celebrity mom.

Sunod na hirit ni Pockie ang mga kopya ng screenshot ng mga komento.

“Minsan pipiliin natin ang pangengialam ng buhay ng may buhay, so ready kaba?” tanong ng Kapuso host.

Hindi naman tumigil ang netizen na sunod pang tinawag si Pockie na “hopeless.”

“Attend ka po counseling/theraphy pra maibsan ang galit sa dibdib mo,”  dagdag ng netizen.

Basahin: Pokwang sa pagiging ‘ampalaya’ sa estranged mister: ‘Kaya ako sumisigaw kasi mahapdi’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang ipinagtanggol ng ina ang sarili sa publiko sa isang panayam kamakailan.

“Ang daling sabihin na ang bitter mo, mag-move on ka na. Ang daling sabihin ‘yun kasi hindi kayo ang nakakaranas. Ang bawat sugat, lalo na kung malalim, [kapag] tinakpan mo lang ng band aid, gagaling na. It will heal slowly,” sey ng ina sa kaniyang panayam kay Bea Alonzo.

“Kaya ako sumisigaw ngayon kasi mahapdi. ‘Pag hindi na ako sumigaw, wala na ‘yun. Pa-heal na ‘yun so hayaan niyo lang,” pagpapatuloy ni Pockie.

Kebs naman ang komedyana sa mga bashers. “Sinimulan niyo kami, nagpunta kayo sa timeline namin, nag-comment kayo nang di maganda, sumagot ako tapos pa-victim kayo.”

Hindi rin pinagsisihan ni Pockie ang mga nasupalpal niya online.

“Ba’t ako magsisisi? Nagsisi ba sila na nag-comment sila sa akin? ‘Di ba hindi rin?”