Masayang ibinahagi ng aktres at TV host na si Maine Mendoza ang katuparan ng kaniyang pangarap na maging isang flight attendant para sa bagong season ng kaniyang lifestyle show na “Maine Goals.”

Sa kaniyang social media accounts, ipinakita ni Maine ang mga larawan niya suot ang uniporme na pang-flight attendant na may kasama pang name plate, na siya mismong kuha mula sa naturang programa.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sumailalim si Maine sa crash course upang maging flight attendant for a day kasama sina Chamyto at Chi Chirita at aniya, ito raw dapat ang karerang tinahak niya walong taon na ang nakalilipas, kung hindi siya pumasok sa mundo ng showbiz.

Masaya naman ang netizens para kay Maine, at narito ang ilang komentong nakalap ng Balita:

“Wonderful picture! Maine dream come true for you to be a flight attendant. Maine goals achieve your dreams. So happy for you and proud of you.”

“The best Ka talagsa menggay! super idol and super love talaga kita!”

“So beautiful show. Congratulations Maine. This is again one reason for me to have a beautiful morning always.”

Mapapanood ang “Maine Goals” sa Gandang Mornings ng TV 5 tuwing 8:30 am at BuKo Channel naman tuwing 8:00 pm.