So ito nga, habang si Jolina Magdangal ay maituturing nang icon ng pop culture ng bansa, pero nagkaroon nga ba siya ng chance to have a photo with Lady Gaga noon?

Naloka at “napa-isip” nga mismo si Kapamilya host at aktres na si Jolina Magdangal matapos ibahagi ang isang edited picture kasama ang award-winning American actress-singer.

Mula sa fan page na “Jolegend Slaydangal” ang larawan na sa unang kita ay aakalain mo talagang legit. Nakarating nga ito mismo kay Jolina kamakailan. Ano sey niya?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ma-share ko lang ulit itong picture na ito na galing kay “Jolegend Slaydangal”. Sa sobrang galing, napaisip talaga ako kung baka nga nagpapicture sakin si@ladygagadati?🤔” sey ng nawindang na icon.

Pagbabahagi pa niya, “sa Asap dressing room” daw nakunan ang picture at obviously, wala sa original photo si Lady Gaga.

Good vibes naman ang hatid ng throwback photo ni Jolina na ginatungan pa ng ibang celebs sa Instagram.

“Iconic,” sey ni content creator na si Macoy Dubs kalakip ang fire emoji.

“Jolina and Stefani Germanotta you will always be famous!” segunda ng direktor na si Antoinette Jadaone sa parehong larawan.

“Oh man that looks like her!!!” sey rin ni Carol Banawa.

“Before Lady Gaga, there was already JOLINA MAGDANGAL. ❤️”

“Isa sa close best friends ni lady Gaga na kanya ding neighbor ay isang Pinoy, at marahil netong time na nagbakasyon siya sa Pinas kasama ang Pinoy friend niya fascinated siya sa talent ng Pinoy nung nanood siya sa ASAP,☺️” lalo pang gatong at nakakaliaw na kuwento ng isang fan.

“It was Jolina who inspired young Stefani Germanotta despite being ridiculed by her classmates to reach for the stars, 👏👏👏” sey ng isa pa na may pa-background pa ang peg sa kasikatan kuno ni Lady Gaga na impluwensya ng Pinay icon.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 21,000 likes na ang naturang larawan sa Instagram.

Si Jolina ang tinaguriang Pop Icon at original Multimedia Superstar ng Pilipinas.

Siya rin ang tinawag na “Queen of 90’s” dahil sa lawak ng impluwensiya ng kaniyang kasikatan noon mula sa mga kanta, palabas sa telebisyon at pelikula hanggang sa kaniyang fashion taste.

I say, iconic!