Kung papipiliin ang voice talent at online personality na si Inka Magnaye, walang echos na pipiliin niya anumang panahon ang edad na 30’s -- narito ang kaniyang dahilan.

Pagdating sa disposisyon, tila mas sigurado at mas malaya na ngayon si Inka para magkaroon ng sariling kontrol sa buhay.

Ito ang laman sa kaniyang get real social media post kung saan sinabi niyang walang binatbat aniya ang bracket na edad 30-anyos, sabay sabing dapat hindi ito katakutan.

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

“My insecurities always got the better of me in my 20s. I allowed them to dictate my thoughts and actions. I was reactive, had the worst habits, and was constantly trying to prove myself to a world that wasn’t asking that of me,” sey ng 34-anyos na si Inka.

“My 30s has me reaping all the lessons I learned in my 20s, but the key is to learn. The reward is I feel more confident about myself, more secure, more powerful, more beautiful, and I just keep getting healthier and stronger as the years pass, body and mind,” pagpapatuloy na testimonya ng online personality.

“I am also kinder, more forgiving, but I also have less patience for bullshit as a result of knowing my worth.”

Basahin: Inka Magnaye sa kapwa furparents: ‘Huwag hayaang naka-paa ang alagang aso sa initan’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa huli, pagtitiyak ni Inka, kung matututo lang aniya sa mga dating pagkakamali, walang dahilan para matakot sa 30s.

Maraming netizens ang naka-relate sa post ni Inka. Dagdag ng iba na sinang-ayunan din ng online personality, “it just keeps getting better as we age.”

Agree ba kayo?