Hindi lang isa, kundi sampung mga parangal ang naiuwi ng pelikulang 'About Us But Not About Us' sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa awards night, nasungkit ng pelikula ang mga top awards tulad ng Best Picture, Best Director and Best Screenplay para sa direktor na si Jun Robles Lana; Best Actor naman para kay Romnick Sarmenta.

BASAHIN: Romnick Sarmenta, wafakels sa pagganap na bakla

Bukod sa top prizes, hinirang din ang pelikula bilang may Best Cinematography, Best Editing, Best Production Design, Best Musical Score, at Best Sound Design; Special Jury Prize naman ang iginawad kay Elijah Canlas.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Mula sa IdeaFirst Company, ang pelikula ay nagsimulang ipalabas nitong Abril 8, Black Saturday.

Tampok sina Sarmenta bilang “Ericson,” isang propesor na may ka-relasyon sa estudyante nitong si “Lancelot,” na isinabuhay ni Canlas.

Ang pelikulang About Us But Not About Us ay nagwagi sa 26th Tallin Black Nights Film Festival sa Estonia.