Tataas na naman ang presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Abril 11, ayon sa pahayag ng mga kumpanya ng langis nitong Lunes.

Kabilang sa magtataas ng presyo ng kanilang produkto ang Pilipinas Shell, SeaOil Phils. Corporation at Cleanfuel.

Aabot sa ₱2.60 ang idadagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, ₱1.70 naman ang ipapatong sa bawat litro ng diesel at ₱1.90 naman sa kerosene.

Matatandaang nagpatupad din ng dagdag-presyo sa petroleum products ang mga oil company nitong nakaraang linggo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang nakaambang price adjustment ay dulot na rin ng anunsyo ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at mga kaalyado nito na magbabawas sila ng produksyong 1.16 milyong barrels per day upang masuportahan ang katatagan ng merkado.